Sunday, July 12, 2009

Akin Ka Na Lang Lyrics

From the album Noontime Show (2005) by the Itchyworms.
Wag kang maniwala diyan
Di ka niya mahal talaga
Sayang lang ang buhay mo
Kung mapupunta ka lang sa kanya
Iiwanan ka lang niyan
Mag-ingat ka
Dagdag ka lamang
Sa milyun-milyong babae niya

Chorus:

Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Wala nang hihigit pa sa 'yo

Di naman ako bolero
Katulad ng ibang tao
Ang totoo'y pag nandyan ka
Medyo nabubulol pa nga ako
Malangis lang ang dila niyan
Wag kang madala
Dahan-dahan ka lang
Baka pati ika'y mabiktima
(Wag naman sana)

(Repeat Chorus)

Di naman sa sinisiraan ko ang pangit na 'yan
Wag ka dapat sakin magduda
Hinding-hindi kita pababayaan

(Repeat Chorus)

Akin ka na lang
Liligaya ka sa pag-ibig ko
Akin ka na lang
At wala nang hihigit pa sa 'yo
Wala nang hihigit pa sa 'yo
(Akin ka na lang)

No comments:

Post a Comment