Sunday, July 12, 2009

Beer Lyrics

From the album Noontime Show (2005) by the Itchyworms.
Nais kong magpakalasing
Dahil wala ka na
Nakatingin sa salamin
At nag-iisa

Nakatanim pa rin
Ang gumamelang
Binalik mo sakin nang tayo'y
Maghiwalay
Ito'y katulad
Ng damdamin ko
Kahit buhusan ko ng beer
Ayaw pang mamatay

Pre-chorus:

Giliw, huwag mo sanang limutin
Ang mga araw na hindi sana maglaho
Mga anak at bahay nating pinaplano
Lahat ng ito'y nawala
Nung iniwan mo 'ko, kaya ngayon

Chorus:

Ibuhos na ang beer
Sa aking lalamunan
Upang malunod na ang
Puso kong nahihirapan
Bawat patak anong sarap
Ano ba talagang mas gusto ko:
Ang beer na 'to o ang pag-ibig mo?

Nais kong magpakasabog
Dahil olats ako
Kahit ano hihithitin
Kahit tambutso

Kukuha ako ng beer
At ipapakulo
Sa kaldero't lalanghapin
Ang usok nito
Lahat ay aking gagawin
Upang hindi ko na isiping
Nag-iisa na ako

(Repeat Chorus)

(Instrumental)

(Repeat Pre-chorus)

(Repeat Chorus except last line)

Ang beer na 'to
Ang beer na 'to
Ang beer na 'to o ang
Pag-ibig mo?

No comments:

Post a Comment